Saturday, January 15, 2011

Easter Sunday 2009 Beach Trip!

 Bago ako nakaalis ng pinas ito yong pinaka huling gala ko sa real,quezon (villa sotera beach resort). Medyo malayo din ang biyahe galing sa taytay,rizal more or less 2 hours din yata kasi medyo maulan ang araw na 'yon. Actually nakitulog na ako sa kaibigan ko kasi maaga kami umalis. Sabit lang talaga ako dun kasi family picnic yon. Salamat sa kaibigan kong si nelly at sa tito at tita nya sobrang bait. Sa kagustuhan ko kasing mag enjoy sa beach bago ako lalayo sa mahal kong bansa kaya ako sumama.

Along the way ang daming magagandang tanawin, luntian ang mga bundok. Kahit na maulan kitang kita parin ang ganda ng lugar. Zigzag road scenery, river views at mga beaches syempre.  At sa mga taong nakakakilala sakin di ko pinalalampas ang mga nice views na walang pictures. Kahit snapshot lang yan (referring 1st 2 photos) maganda parin hehe.


Sobrang lakas ng hangin pagdating namin sa beach naisip ko tuloy bakit di ako nagbaon ng kumot hehe. Pero tumigil din ang ulan at nagpakita si haring araw at unti-unting nawala ang malakas na hangin.


family spent their easter sunday at beach
sarap mag-beach...
umaraw din :)
family host
happy faces at the beach...
Tito & Tita Despa



sarap ng pulutan nila hehe
 fresh na fresh ang mga pagkain sarap!
sarap mag-ihaw

my super cool buddy

nagpapicture lang ako nyan hehe...

 river water from mountain

That was very nice day indeed. Daming foods kaya medyo nasira ang tyan ko hehe. Medyo di nga lang develop yong place, kailangan pumila para mag-shower at mag-cr. After ng beach trip na to isang taon muna bago ako nakapunta ng dagat and that was already florida beach.

No comments:

Post a Comment